NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P220,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Reniel Comia Causapin, 31-anyos, residente ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nasamsam sa suspek ang 16 na pirasong heat sealed transparent sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nasa 32.4 grams ang bigat ng nasabing droga na nagkakahalaga ng kabuuang P220,320.

Samantala, napag-alaman na ang nasabing suspek ay itinuturing newly identified drug personality sa lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Causapin habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban dito.