NAGA CITY- Kumpiskado ang mahigit sa P1.5-M na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa isang lalaki sa Lucena, City.

Kinilala ang suspek na si Alyas Eric/Fred, 43-anyos, residente ng Brgy Ilayang Iyam sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili sa supek ang nagpamalo-malong posuer buyer ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng naturang iligal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, mababatid na maliban sa buy-bust item, narekober pa sa suspek ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na mayroong bigat na 75 grams at nagkakahalagang humigit-kumulang P1,530,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang padusa.