NAGA CITY – Kumpiskado ang tinatayang mahigit P1-M na halaga ng iligal na droga sa isang drug courier sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa San Agustin Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Arlene Osolio, 57-anyos, residente ng Brgy. San Isidro Labrador, Dasmarinas Cavite at ikinokonsidera bilang Newly Identified Drug Personality.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt.Col. Allan Macoy Jr, ang OIC ng Pili Municipal Police Station, sinabi nito nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 bilang buy bust money.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtordad, maliban umano sa buy bust item, nakumpiska pa sa suspek ang siyam pang piraso ng ipinagbabawal na gamot na may bigat na nasa 200 grams at nagkakahalaga ng humigit kumulang P1,360,000.00.

Dagdag pa ni Macoy, matagal na rin umanong minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek at inaalam pa kung may kasabwat ito sa nasabing lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya na na nang mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.