NAGA CITY- Nasa mahigit P60-K na pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska mula sa limang drug personality sa isang drug den sa Naga City.
Kinilala ang mga suspek na sina John Olarve; Vince De Guzman, 42-anyos; Ricardo Parro, 35-anyos; Aljon Quilario, 29-anyos; at Samuel Nepomuceno, 27-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- CamSur, napag-alaman na ang naturang operasyon ay sa pamamagitan ng search warrant kung dito na naabutan ng mga otoridad ang apat sa mga suspek habang nagsasagawa ng kanilang pot session.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober dito ang 10 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00 at mga drug paraphernalia.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.