NAGA CITY – Mahigit sa P50-K ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isang security guard sa isinagawang buy bust operation sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Alvin Albao, 43-anyos, residente ng Zone 2, Brgy. Palestina sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nakumpiska sa suspek ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng iligal na droga gamit ang 500 peso bill na buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag alaman na tinatayang nasa 15 gramo ang timbang ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng kabuoang P54,000.

Samantala, ayon pa sa imbestigasyon, newly identified drug personality si Albao.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at ang mga narekober na ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.