NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda matapos na matagpuan ang katawan na palutang lutang sa kadagatan ng Brgy. Pinagbayanan Calauag,
Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Montas 76-anyos, residente ng Brgy. Sta. Maria sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na natagpuan ng isang
nagngangalang Pancho Ballos ang katawan ng biktima sa kadagatan sa naturang lugar.

Nabatid na inatake sa puso ang biktima habang ito’y nangingisda na itinuturong sanhi ng agad nitong pagkamatay.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.