NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos masalpukan ng isang L300 van sa Maharlika Highway, Barangay Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na tinatahak ng suspek na si Michael Jay Clidoro, 40-anyos, ang kahabaan ng nasabing kalsada gamit ang l300 van nang mabangga nito ang menor de edad na tumatawid sa kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumama ang biktima sa konkretong kalsada na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek matapos ang insidente.