NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang menor de edad habang nagpapalutang-lutang sa Dumaca River sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na isang 16-anyos na lalaki, residente ng Purok Narra 2, Milagrosa Subdivision, Brgy. 9, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na Hulyo 12, 2021 pa nawawala ang nasabing binatilyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na bago pa umano nawala ang biktima, huli itong nakita sa nasabing ilog habang naliligo kung saan ito pinaniniwalaang nalunod.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.