NAGA CITY- Sugatan ang isang menor de edad matapos subukang magpakamatay sa paamagitan ng pagpapahulog sa tatlong palapag na gusali sa Barangay Triangulo, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kagawad Carlos Honorio ng Committee on Peace and Order ng nasabing barangay, sinabi nitong una na nilang nakita ang 16-anyos na babae na nakaupo sa may balcony ng ikatlong palapag na bahay.

Sunubukan umano nilang kunin ang atensyon nito dahil tila wala ito sa kanyang sarili.

Kaugnay nito, pinuntahan na umano ito ng ilang barangay tanod ngunit bago pa man malapitan, dumaosdos na ito pababa sa ikalawang palapag.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa katawan ang sabing biktima.

Samantala, pinaniniwalaang problema sa pag-ibig ang problema nito dahil bago ang insidente nakita umani itong may kausap sa cellphone na pinaniniwalaang kasintahan ng dalaga.