Inimbitahan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay ng imbestigasyon sa multi-bilyong pisong flood control scandal.

Ayon sa Senate President, ginawa ang hakbang matapos lumabas ang ulat na nakatanggap umano ang NBI ng impormasyon mula sa isang indibidwal na nagsasabing sinuhulan ni dating Mike Defensor ng ₱5 milyon ang 18 dating sundalo kapalit ng kanilang testimonya.

Giit ni Cayetano, kung mapapatunayang totoo at beripikado ng NBI ang naturang impormasyon, magkakaroon ito ng sapat na bigat upang isaalang-alang sa imbestigasyon.

Dahil dito, inimbitahan niya si Matibag upang personal na humarap sa pagdinig at makaharap ang kampo ni Defensor at ang 18 ex-marines na sangkot sa usapin.

Advertisement

Layunin umano ng Senado na malinawan kung may katotohanan ang mga alegasyon, kabilang ang paratang na may panunuhol upang impluwensyahan ang mga testigo sa imbestigasyon ng flood control anomalies.

Advertisement