NAGA CITY- Dead-on-the spot an isang negosyante matapos na pagbabarilin sa Barangay Road, Sitio Centro, Brgy. Manggalang 1, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ceasar Delos Reyes, 40-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap na lamang ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Sariaya Municipal Police Station tungkol sa nasabing insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si Reymound Masalunga at ang kapatid nito na pauwi sana sa kanilang bahay nang huminto ang mga ito dahil sa nakaharang na buwig ng saging na nakaharang sa kanilang dadaanan. Kung saan, ayon sa mga witnesses ng makarinig umano ang mga ito nang putok ng baril galing sa kanilang likuran agad naman silang humingi ng tulong sa kanilang ama na agad namang nag report sa mga awtoridad.

Matapos ang naturang insidente nakita na lamang ng mga ito na wala ng buhay ang katawan ng biktima na mayroong tama ng bala sa kanyang mukha at katawan.

Agad naman umanong tumakbo ang hindi pa nakikilalang suspek matapos na isagawa ang naturang krimen.