Inirekomenda ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at indirect bribery laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng umano’y pagtanggap ng P75 milyon bilang campaign donations noong nakaraang taon.

Batay sa complaint-affidavit na nilagdaan noong Mayo 18, nais ding isama sa kaso si Marcoleta kasama si dating Quezon City 2nd District Rep. Mike Defensor at dalawa pang indibidwal na umano’y nagbigay ng donasyon sa senador.

Bahagi ito ng mas malawak na imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa paggamit ng campaign funds at posibleng paglabag sa batas laban sa katiwalian.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Marcoleta kaugnay ng reklamo, gayundin ang iba pang nabanggit na indibidwal.

Advertisement

Ang kasong plunder ay itinuturing na isa sa pinakamabigat na krimen sa ilalim ng batas at may kaparusahan na habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala, at walang inirerekomendang piyansa.

Ang indirect bribery ay tumutukoy sa ilegal na pagtanggap ng pera o pabor kapalit ng impluwensiya o kapangyarihan sa opisyal na tungkulin.

Advertisement