Pinagsunog ng mga galit na residente ang isang bahagi ng pagamutan sa Democratic Republic of Congo sa kasagsagan ng Ebola outbreak matapos ang hindi pagbibigay sa kanila ng bangkay ng isang lalaking namatay sa virus.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimulang maghagis ng mga bato at pampasabog ang mga tao bago tuluyang sinunog ang mga tents sa pasilidad.

Ipinaliwanag ng mga opisyal na hindi agad ibinigay ang bangkay ng biktima dahil ito ay itinuturing na nakakahawa pa at kailangang sundin ang mga protocol sa paghawak ng mga nasawi sa Ebola.

Dahil sa insidente, agad na rumesponde ang mga kapulisan at pinalikas ang mga nagkakagulong residente upang maibalik ang kaayusan sa lugar.

Advertisement
Advertisement