Nanawagan ang Petroleum Association of the Philippines sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagpapalawak ng paggamit ng natural gas sa bansa upang makatulong na mapigilan ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Donnabel Kuizon Cruz, chairperson ng asosasyon, makatutulong ang mga locally produced na gas upang mabawasan ang pangangailangan ng bansa sa mga imported na fuel.
Kapag nabawasan ang pag-angkat ng enerhiya, inaasahang magkakaroon ng malaking matitipid ang mga konsyumer sa kanilang bayarin sa kuryente.
Iginiit din ni Cruz na may kakayahan ang pamahalaan na makipag-ugnayan sa mga power generation companies upang makatulong sa pagbawas ng presyo ng kuryente.
Advertisement
Advertisement














