NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na mauwi sa Armed Confrontation ang pagsilbi lamang sana ng search warrant sa Brgy. Tambo, Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Aquilles Lloria Jr, 45-anyos, kung saan nabatid na dati na itong kasali sa mga Drug Surrenderee sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial office (CSPPO), nabatid na habang sinisilbi ng mga otoridad ang Search Warrant laban sa RA 9165 o paglabag sa paggamit ng iligal na droga at RA 10591 o ang comprehensive law on firearms and ammunition nang bigla na lamang aniyang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mg otoridad, napag-alaman na nag-resulta ang nasabing insidente upang magtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang suspek.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, narekober naman sa crime scene ang isang large at dalawang small heated-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang caliber .38 Armscor 202 revolver at mga bala.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa naturang insidente.