NAGA CITY – Naitala ang palitan ng putok sa pagitan ng Concepcion Group at mga otoridad sa Bato, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng Search Warrant ang mga otoridad sa lugar, dito na nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabialng kampo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nasa lima katao ang miembro ng naturang grupo na umatake sa mga ototridad.

Samantala, agad namang nakatakas ang mga suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng mga suspek habang nagsagawa na rin sila ng mga checkpoints/chokepoints para sa posibleng pagkakaaresto sa naturang mga indibidwal.