Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikialam ang Pilipinas sa usapin ng Taiwan at patuloy na kinikilala ng bansa ang one-China policy.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na itinuturing ng Pilipinas na internal matter ng China ang usapin ng Taiwan.

Gayunman, binigyang-diin ni Marcos na nais ng Pilipinas na maresolba sa mapayapang paraan ang anumang tensyon o sigalot sa paligid ng Taiwan upang mapanatili ang katatagan sa rehiyon.

Ayon pa sa Pangulo, mahalaga para sa gobyerno ang pagpapanatili ng kapayapaan dahil may halos 200,000 Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.

Advertisement

Sinabi rin ni Marcos na nagpapatuloy ang diplomatic engagement ng Pilipinas sa China, kabilang ang regular na pagpupulong ng foreign ministers ng dalawang bansa upang mapanatili ang maayos na komunikasyon.

Binigyang-diin pa ng Punong Ehekutibo na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa sa Indo-Pacific region upang maiwasan ang anumang labanan at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Advertisement