NAGA CITY- Patay ang isang pulis matapos mauwi sa shoot out ang operasyon sa Barangay Zone 6 Brgy. Topas Proper, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspect na si Pat Domingo Cabañez Jr. 39- anyos ng Brgy. La Anunsacion, Iriga City .

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT Efren Dela Cruz, hepe ng Nabua PNP, sinabi nito na kasalukuyang active member ng Philippine National Police si Cabañez at naka assign sa Regional Personal Holding and accounting Unit ng Police Regional Office 5.

Ayon kay Dela Cruz, habang nakikipag transaksyon ang nasabing suspect sa nagpanggap na poseur buyer ay nahalata nit na pulis ang kanyang katransaksyon kung kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang naturang poseur buyer ngunit hindi tinamaan.

Kaugnay nito, agad na gumanti ang operating team kung saan tinamaan ang suspek at agad na isinugud sa ospital ngunit ideneklara ng dead on arrival ng mga doktor.

Nakuha sa crime Scene ang isang cal. 38 revolver at dalawang medium size sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Ayon kay Dela Cruz, noon paman ay minomonitor na ng mga otoridad ang galaw ng naturang pulis kung saan napag-alaman na ito narin mismo ang nagbebenta sa mga drug pesoinality na kanila mismong binabantayan.

Samantala, una na umanong nagpositibo si Cabañez sa isinagawang drug testing kung kaya nag AWOL ito at ngunit taong 2018 nang muling nakabalik sa serbisyo.Top