Photo © web

Inihayag ni Caloocan Representative Edgar Erice na hindi siya lalahok sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa plenaryo, dahil aniya’y nagagamit lamang ito sa pulitika at kulang sa moral ascendancy ang Kamara.

Ayon kay Erice, tila napipili lamang ng ilang mambabatas ang paggamit ng Konstitusyon kapag ito ay pabor sa kanilang interes, habang hindi umano natutupad ang mandato nitong ipasa ang anti-political dynasty law.

Giit ng kongresista, ang impeachment ay hindi isang “principled process” kundi nauuwi sa banggaan ng mga dating magkakampi sa pulitika at nagiging usapin ng kapangyarihan.

Dagdag pa niya, tumatanggi siyang maging bahagi ng tinawag niyang political spectacle na hindi nakatutulong sa mamamayan.

Advertisement

Nilinaw rin ni Erice na hindi pa nila napag-uusapan ang isyu sa hanay ng Liberal Party, ngunit pinapayagan umano ang “conscience vote” sa kanilang partido.

Tungkol naman sa mga ebidensyang inihain sa impeachment hearings, sinabi ng kongresista na hindi pa pinal ang Commission on Audit notice of disallowance at hindi rin aniya conclusive ang ulat ng Anti-Money Laundering Council, kaya hindi sapat ang mga ito bilang matibay na batayan ng kaso.

Advertisement