Naglabas ng warrant of arrest at hold departure order ang Sandiganbayan Second Division laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Bukod kay Estrada, kabilang din sa pinatawan ng parehong kautusan sina dating Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan at ilang dating opisyal ng DPWH-NCR.

Kabilang sa mga co-respondents sina Engr. Denryl Cortuna, Engr. Arturo Gonzales Jr., at Engr. Manny Bulosan.

Pinamumunuan ni Presiding Justice Geraldine Econg ang Sandiganbayan Second Division na humahawak sa kaso ng senador.

Advertisement

Kaugnay ito ng mga alegasyon ng iregularidad at umano’y kickback scheme sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, agad na maghahain ng piyansa ang kampo ni Estrada upang makaiwas sa pagkakakulong habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.

Advertisement