NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang dalawa pa matapos magkarambolan ang mga behikulo sa Maharlika Highway Brgy. Tinandog Atimonan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na isang menor de edad na babae, habang ang dalawang sugatan na sila Dolce Fardo Lagdameo, 41-anyos; at Joel Restan Bituin, 27-anyos, parehong residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng Wing Van na pinagmamaneho ni Eric Timbal, 38-anyos, ang direksyon papuntang Manila ng kaini nito ang kabilang linya ng kalsda rason para mabangga nito ang bahay na nasa tabi ng kalsada.

Dahil sa pangyayari, nasagasaan nito ang mga biktima maging ang tricycle at motorsiklo na nakaparada sa tabi ng kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng serious injury ang menor de edad na nagin dahilan ng kaniyang kamatayan; habang sugatan naman si Lagdameo at si Bituin ang nakaladkad pa ng truck.

Agad namang dinala sa hospital ang mga biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nasabing pangyayari.