Nagpaabot ng pasasalamat si Senador Pia Cayetano sa kaniyang mga kapwa senador matapos ang kaniyang naging emosyonal na pahayag sa plenary session ng Senado noong Mayo 20.

Sa isang Facebook Live nitong Mayo 22, sinabi ni Cayetano na na-appreciate niya ang paglapit at pag-alala sa kaniya ng ilang senador matapos ang kaniyang madamdaming talumpati.

Ayon sa senador, normal lamang ang mainit na diskusyon sa loob ng Senado dahil magkakakilala at magkakaibigan din ang mga mambabatas bilang magkakabaro.

Dagdag pa niya, nagpakita ng malasakit sa kaniya ang ilang kasamahan matapos ang kanyang talumpati kaya pinasalamatan niya ang mga ito sa pag-aalala.

Advertisement

Ang emosyonal na pahayag ni Cayetano ay kaugnay ng naunang privilege speech ni Senador Risa Hontiveros na nanawagan na huwag balewalain ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13.

Isa rin sa naging punto ng talumpati ni Cayetano ang pagkadismaya umano sa hindi agad na pag-check ng ilang kasamahan sa mga miyembro ng majority bloc na nasa lugar noong insidente.

Samantala, kumalat din ang screenshot ng group chat ng mga senador kung saan makikitang may ilang miyembro ng minority bloc na nagpaalala sa kanilang kasamahan na mag-ingat.

Advertisement