Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa kapwa niya senador na si Senador Ronald dela Rosa na igalang ang batas at makipagtulungan sa mga awtoridad kasunod ng ulat na “enforceable” na ang arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Ayon sa Senadora, dapat manaig ang “rule of law” at igalang ang mga umiiral na legal na proseso sa gitna ng pag-usad ng kaso.
Hinimok din niya si Senador dela Rosa na sumuko na at makipagtulungan sa mga awtoridad, kasabay ng panawagan para sa mapayapa at makatarungang resolusyon ng sitwasyon.
Ang pahayag ay kasunod ng ulat mula sa Department of Justice na maaari nang ipatupad sa bansa ang ICC warrant, habang ibinasura rin ng Supreme Court of the Philippines ang hiling na Temporary Restraining Order (TRO) ng kampo ni Dela Rosa na sana ay pumigil sa implementasyon nito.
Samantala, hindi pa rin nakikita sa publiko si Senador dela Rosa matapos ang kanyang huling pagdalo sa Senado noong Mayo 11, at muling pagkumpirma ng mga awtoridad na nakalabas na siya ng gusali noong Mayo 14 ng madaling araw.














