Posibleng kusang sumuko si Senador Jinggoy Estrada sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap nitong kaso sa umano’y flood control kickback scheme.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, malaki ang posibilidad na sumuko ang senador oras na maglabas ng warrant ang korte.

“I think most probably surrender. Surrender ‘yan,” pahayag ni Remulla sa isang ambush interview ngayong Biyernes.

Dagdag pa ng kalihim, hindi na umano bago kay Estrada ang ganitong sitwasyon dahil ito na ang ikatlong pagkakataon na nahaharap siya sa kasong may kaugnayan sa katiwalian.

Advertisement

“This is the third time, sanay na naman siya sa kung ano ang gagawin niya,” dagdag ni Remulla.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa flood control projects ng pamahalaan.

Nauna nang itinanggi ng senador ang mga alegasyon at iginiit na gagamitin niya ang lahat ng legal remedies upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga kaso.

Advertisement