Ibinahagi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na minsan niyang naisip na magbitiw sa puwesto dahil sa mga nangyayaring tensyon at kaguluhan sa Mataas na Kapulungan.
Sa isang panayam nitong Biyernes, Mayo 22, sinabi ni Lacson na nakakalungkot para sa kaniya ang pagbabago ng tingin ng publiko sa Senado kumpara sa Kamara de Representantes.
Ayon sa senador, dati ay itinuturing ang Senado bilang “big brother” o mas mataas na antas ng check and balance sa gobyerno, ngunit tila nagbago na umano ito sa kasalukuyan.
Inamin din niya na naipahayag niya sa ilang kasamahan ang posibilidad ng pagbibitiw, ngunit hinikayat siyang huwag ituloy ang ganitong hakbang.
Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na patuloy na umaasa ang minority bloc na maibabalik ang respeto at kredibilidad ng Senado sa pamamagitan ng mas maayos na pagtatrabaho para sa publiko.
Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos ang pagdalo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa session hall kasunod ng matagal na pagliban kaugnay ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), na naging isa sa mga pinagmulan ng diskusyon sa loob ng kapulungan.














