Pinasinungalingan ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Senador Imee Marcos na may kaugnayan sa charter change ang umano’y panibagong pagtatangka para palitan ang liderato sa Senado.
Una kasing sinabi ni Marcos na may mga nagsusulong ng bagong liderato sa Senado na layong bumuo ng Constituent Assembly (Con-Ass) upang baguhin ang ilang probisyon ng Saligang Batas, kabilang ang pagpapalawig ng termino ng pangulo at pagbabago ng minimum age requirement sa pagtakbo sa pagkapangulo.
Ayon kay Lacson, walang katotohanan ang naturang pahayag at tinawag niya itong pawang kasinungalingan.
Giit pa ng senador, kahit kailan ay hindi pa umano napag-uusapan sa minority bloc ang usapin ng Con-Ass.
Buwelta rin niya sa presidential sister, tahasan umanong mali ang kaniyang mga sinabi.
Sa hiwalay na punto, binanggit na sa loob ng halos apat na taon ng administrasyong Marcos Jr., apat na senate president na ang umupo, kabilang sina Juan Miguel Zubiri, Chiz Escudero, Vicente Sotto III, at ang kasalukuyang si Alan Peter Cayetano na nagsimula noong Mayo 11, 2026.














