Sinagot ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Senadora Pia Cayetano tungkol sa umano’y kawalan ng pangangamusta sa mga senador na naipit sa kaguluhan sa Senado noong Mayo 13, 2026.

Ayon kay Senador Lacson, mahirap tanggapin ang pahayag na walang nangumusta dahil may mga senador umanong abala sa pagkain, pag-inom ng kape, at pagla-live sa social media habang nangyayari ang insidente.

“Ironically, paano ka mangungumusta sa mga masayang nagkakainan, nagkakape, at naka-Facebook live pa?” pahayag ni Lacson.

Giit pa niya, may mga paratang pa umanong ibinabato laban sa minority bloc na may alam sa naganap na putukan sa loob ng Senado.

Advertisement

Matatandaang sinabi ni Senadora Cayetano na wala umanong kahit simpleng pag-check ng kalagayan mula sa ilang kasamahan sa Senado sa gitna ng tensyon, sa kabila ng kanilang matagal na pagsasama sa institusyon.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bago ang nakatakdang caucus ng majority bloc noong gabi ng Mayo 13, kung saan nagkaroon ng kaguluhan bago mag-alas-otso ng gabi.

Patuloy na kontrobersyal ang insidente sa Senado, kasunod ng magkakasalungat na salaysay ng mga mambabatas hinggil sa mga pangyayari sa loob ng mataas na kapulungan.

Advertisement