Photo courtesy: DSWD 5

NAGA CITY – Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Zone 1, San Francisco, Camaligan, Camarines Sur pasado alas 10 ng umaga kahapon, Linggo ng Pagkabuhay Abril 20, 2025.

Ayon kay OIC Fire Marshal SFO4 Mario B Reburiano Jr, posibleng ang water heater ang pinagmulan ng apoy na lumamon sa mga gamit.

Samantala, nailigtas naman ang mga bata sa loob ng tahanan. Lalo na at agad nakapagresponde ang mga residente at ang BFP.

Ngunit sa maliban sa nasunog na bahay, walang naisalba na kahit anung mga gamit ang mga biktima na kanila naman umanong mas ikinalungot.

Advertisement

Kaugnay nito, nagpaabot na ng tulong ang DSWD Region 5 sa pamilyang nasunugan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Advertisement