(UPDATE) NAGA CITY- Kinasohan na ang suspek sa pananaga at pambabaril-patay sa nangyaring away-pamilya sa Brgy. Beberon, San Fernando, Camarines Sur.
Kung maalala una ng kinilala ang mga biktima na sina Miral Rentoria, Alexander Rentoria at Noel Rentoria habang kinilala naman ang isa pang suspek na kalaunan ay binawian rin ng buhay na si Laurio Rentoria.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Joker Mayores, imbestigador ng San Fernando PNP sinabi nito na napagdesisyonan na ng pamilya nang mga biktima na magsampa ng kaso kay Larry Rentoria, ang isa sa mga suspek sa nasabing krimen.
Ayon kay Mayores, kahawak na nila ang mga dokumento at kasalukuyan naring nasa pangangalaga ng San Fernando PNP si Larry matapos itong sumuko.
Samantala, base sa imbestigasyon at sa naging pahayag narin ng mga witness sa nasabing krimen, una umanong nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkapatid na si Lauro at Alexander.
Nabatid na si Laryy umano ang may dala ng baril kung saan nabaril-patay nito si Miral habang ang dalawa namang biktima ay nag tamo ng taga sa katawan.
Maliban dito nagtamo rin umano ng tama sa likod ang suspek kung saan kasalukuyan pa itong nag papagaling.