NAGA CITY – Nasa kamay na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaslang sa 5-anyos na batang babae sa bayan ng San Fernando Camarines Sur.

Ito’y matapos na personal na sumuko ang suspek na si Gilbert Zantua.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kan Zantua, sinabi nitong hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang naturang krimen.

Ayon kay Zantua nakita lamang niya noong Oktubre 1 ang naturang bata at agad niya itong kinaladkad sa madamong bahagi ng lugar kung saan nito ginawa ang pangmomolestiya at pagpatay sa bata.

Aminado ang suspek na mayroon pa umano siyang hangover nang magawa ang krimen.

Samantala, labis naman ang pag-sisisi ni Zantua na humihingi ng ikalawang pagkakataon sa pamilya ng biktima.

Kung maaalala ayon sa pamilya ng biktima papunta na sana sa paaralan ang bata ng bigla itong mawala at kalaunay natagpuan na lamang na puno nang pasa at sugat sa katawan.

Sa resulta ng isinagawang aotopsy ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) , lumalabas na sinakal ang bata na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.