NAGA CITY-Nagpapatuloy ang isinasagawang clearing operations ng Solid Waste Management Office-Naga sa buong Naga City.

Kaugnay nito, kahapon sa may bahagi ng Panganiban Drive at Plaza Quince Martires isinagawa ang nasabing clearing operations.

Layunin nito ang na maibalik ang kalinisan sa Naga City matapos ang nakakalungkot na epekto ng Bagyong Kristine.

Ngayong araw at sa mga susunod pa, patuloy na maglilibot ang mga tauhan ng SWMO-Naga sa iba pang mga barangay sa lungsod upang ipagpatuloy ang kanilang paglilinis.

Nagpasalamat naman ang nasabing opisina sa mga organisasyon na nagpahiram sa kanila ng mga heavy equipment at sa mga volunteers na malaking tulong sa ongoing clearing operations.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng pamunuan ng SWMO-Naga para sa karagdagang payloaders, trucks, o heavy equipment.

Sa ngayon, humupa na ang baha sa ilang areas sa Naga City ngunit patuloy na pinangangambahan na muling tumaas dahil sa banta ng Bagyong Leon.