NAGA CITY- Inaalay ni gold medalist Annie Ramirez ang kanyang naging tagumpay sa kanyang ama dahil ito umano ang kanyang mentor at n0. 1 fan kasama an kanayang buong pamilya.

Naiuwi ni Ramirez ang gold medal sa Jujitsu-Women’s U 62kg-GI event sa nagpapatuloy na 31st Sea Games sa Hanoi, Vietnam. Dahil dito nadepensahan nito ang titulo sa nakaraang 2019 Sea Games na idinaos sa Pilipinas.

Ayon kay Ramirez, nakatulong ang malaking tiwala nang kanyang pamilya lalong lalo na ng kanyang ama sa muli niyang pagsungkit sa gintong medalya.

Dagdag pa ng atleta, maraming sakripisyo ang kanyang ginawa bago ang naturang sports event pero binigyan diin nito na kailangan ang pagtitiwala sa Diyos at ang pagiging positibo sa lahat para mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay.

Sa ngayon, dasal nalang ng gold medalist ang tagumpay ng lahat nang atletang pinoy na kasalukuyang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.