NAGA CITY- Patay ang isang tattoo artist matapos na magpatiwakal sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Joshua Paul Tolang Bustillo, 33-anyos, residente ng Brgy. Kanlurang Domoit sa nasabing siyudad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng kanyang mismong anak ang wala ng buhay na katawan ng biktima habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na bago ang insidente, napansin ng asawa ng biktima na kinilalang si Lalaine Talamor Bustillo na nakakaranas ng depression ang kanyang mister.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa pangyayari.