Nagkaroon ng pag-uusap sina U.S President Donald Trump at United Kingdom Prime Minister Keir Starmer tungkol sa kahalagahan ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, isa sa pinakaimportanteng ruta ng kalakalan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa pahayag mula sa Downing Street, tinalakay din ng dalawang lider ang ilang isyu kaugnay ng tumitinding tensyon sa rehiyon at ang kasalukuyang giyera sa Gitnang Silangan.

Binanggit ni Trump ang kaniyang panawagan sa mga bansang China, Japan, France, South Korea, at United Kingdom na magpadala ng warships upang suportahan ang Estados Unidos sa seguridad at operasyon sa strait.

Ang hakbang ay bahagi ng koordinadong pagsisikap upang mapanatili ang ligtas na pagdaan ng kalakalan sa rehiyon, na may malaking epekto sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

Advertisement
Advertisement