Nagmatigas si US President Donald Trump na hindi siya papayag sa anumang pag-uusap sa Iran hangga’t hindi ito sumusuko nang walang kondisyon, sa gitna ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Trump, mahalaga na magkaroon muna ng “unconditional surrender” ang Iran bago isaalang-alang ng United States ang anumang uri ng pag-uusap.

Dagdag pa ng pangulo, hindi pakikipag-usap ang layunin ng Amerika kundi ang tuluyang pagpapatigil sa anumang nuclear enrichment ng Iran.

Nauna nang ibinunyag ni Masoud Pezeshkian, pangulo ng Iran, na may ilang bansa ang nais na mamagitan upang magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng Iran at ng Estados Unidos.

Advertisement

Gayunman, nananatiling matigas ang paninindigan ni Trump laban sa naturang mungkahi.

Magugunitang lalo pang lumawak ang tensyon sa Gitnang Silangan kung saan ilang bansa na ang inatake ng Iran bilang ganti umano sa mga hakbang ng Estados Unidos at ng Israel.

Advertisement