Ipinahayag ni Atty. Paolo Panelo na walang kinalaman si Vice President Sara Duterte sa mga death threats laban kay Ramil Madriaga at suportado nila ang anumang hakbang para mabigyan ito ng karagdagang proteksyon.

Ayon kay Panelo, layunin nilang tiyakin na mananatiling ligtas at malusog si Madriaga dahil siya lamang ang makakapagtapat kung nagbigay siya ng pekeng testimonya laban sa Bise Presidente at kung sino ang mga taong nasa likod nito.

Dagdag pa niya, hinihikayat si Madriaga na iharap ang detalyadong ebidensya ng umano’y pekeng akusasyon upang tuluyang mapabulaanan ang mga maling pahayag.

Advertisement