BOMBO NAGA- Patay ang isang driver matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Umiray General Nakar Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Buscano, 33-anyos, residente ng Narra St. San Miguel Subdivision Muzo, TayTay Rizal.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang naliligo sa dagat ang biktima kasama ang iba pa nitong kakilala nang bigla na lamang umanong lumubog ang biktima dahil sa lakas alon.

Nasagip naman ng mga mangingisda sa lugar ang biktima ngunit binawian rin ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.