NAGA CITY- Patay ang isang lalaking may problema sa pag-iisip matapos na masagasaan ng isang Wing Van Truck sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Alcomendas, residente ng Zone 7, Brgy. San Antonio Poblacion, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na minamaneho ni Nathaniel Danduan, 44-anyos, ang nasabing truck nang bigla na lang humiga sa daan ang biktima kung kaya nasagasaan ito ng truck dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver nang truck para sa karampatang kaparusahan.