NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa minamaneho nitong motorsiklo sa Zone 7, Barangay Batang, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Lorenzo Avila, 29-anyos, residente ng Barangay Patong sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabaybay ni Avila ang nasabing lugar ng aksidente itong makatawid sa kabilang linya ng kalsada dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa motorsiklo.

Dahil sa nasabing insidente, dito naman naman tumalsik ang biktima dahilan upang magtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad naman itong dinala sa ospital para sa karampatang asistensya medikal ngunit dineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, napgagatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.