NAGA CITY – Dead-on-Arrival ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang isa pa matapos mawalan ng kontrol at makasalpok sa isang puno sa Brgy. Road, Brgy. Matandang Sabang Kanluran, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Reymar Panis Arroyo.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng naturang kalsada nang aksidente itong mawalan ng kontrol at makasalpok sa puno ng Mahogany.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa naturang insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang kanilang katawan si Arroyo at ang hindi na pigpangalanang backrider nito.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead on arrival si Arroyo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.