NAGA CITY – Arestado ang isang vendor dahil sa pagbebenta nito ng mga pekeng gold bars sa Barangay Dolorosa, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Edgar Quiapo, 46-anyos, residente ng Zone 4, Barangay Angustia, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na naaresto si Quiapo matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad.

Napag-alaman rin na naaktuhan ang suspek sa ginagawa nitong pangbubudol nang pagbentahan nito ng isang pekeng pekeng gold bar ang biktima na si Manuelo Borromeo, 53-anyos, residente ng Brgy. Pambohan, Mercedes, Camarines Norte.

Kaugnay nito, narekober din sa suspek ang isang piraso ng 500 peso bill at nasa P65,000.00 na halaga ng pera na ginamit bilang bioodle money.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.