NAGA CITY- Patay ang dalawang lalaki matapos ang masalpukan ang minamehong motorsiklo ng isang trak sa kahabaan ng Brgy Payapa, Tagkawayan Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Noriel Baranda De Torres, 20 anyos at John Paul Ren Anog, 18-anyos, kapwa residente ng Brgy Mansilay sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang minamamaneho ni Anog ang isang motorsiklo angkas si De Torres ng masalpukan ng isang truck na minamaneho naman ni Virgilio Avenido Autida, 43 anyos, residente ng Brgy Viñas, Calauag sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.