NAGA CITY – Sugatan ang tatlong katao matapos na masanggi ng isang Vios ang garbage truck ng Naga City sa barangay Cararayan.

Kinilala ang mga nasugatan na sina alyas Jerwin, 53-anyos, driver ng nasabing sedan, at ang dalawa nitong menor de edad na anak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Chester Pomar, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na habang nagpipick up ng basura ang nasabing dump truck ng masanggi ito ng Vios na nagresulta sa pagkakasugat ng driver at sakay nito.

Dagdag pa ng opisyal, amoy alak ang driver nito ng mangyari ang insidente, maswerte naman aniya na hindi nadamay ang mga sakay ng dump truck sa pangyayari.

Sa ngayon, mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injury and damage to property involving government property ang driver ng Vios.