NAGA CITY- Sugatan ang tatlo katao sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Brgy. San Juan Libmanan Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, nabatid na nawalan umano ng kontrol ang drayber ng motosiklo na si Rudy Fernandez 52-anyos habang sakay ang mga backrider na sina Lilibeth Fernandez at Anna Oliva.

Kaugnay nito, nabangga ni Fernandez ang likurang bahagi ng tricycle na minamaneho ng nagngangalang Jhoneper Semitara 42-anyos.

Dahil dito, agad na tumilapon sina Fernandez maging ang mga sakay nito.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.