Photo courtesy of Milaor MPS

NAGA CITY – Nasamsam ang mahigit kalahating milyong pisong iligal na droga mula sa isang high-value individual sa Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Alyas Dino, 32 taong gulang, at residente ng Zone 6, Barangay Alimbuyog, sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 83 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P564,400.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Advertisement

Samantala, sa kabila ng paggunita sa Mahal na Araw, ang PNP Bicol ay patuloy na nagsasagawa ng masigasig at walang humpay na operasyon kontra kriminalidad, partikular na laban sa ilegal na droga.

Advertisement