2 katao ang nasawi habang maraming mga pasahero ang sugatan matapos araruhin ng isang itim na SUV sa departure area sa NAIA Terminal 1 ngayong umaga, Mayo 4, 2025.
Karamihan sa mga nasugatan ay mga OFWs na paalis na sana ng bansa at mga miyembro ng pamilya nito.
Ayon sa ulat, nakapark na umano ang sasakyan dahil may hinatid siyang pasahero sa terminal nang nataranta ito dahil may tumawid na sasakyan sa kanyang harap kaya sa halip na preno ay selenyador ang natapakan nito kaya humarurot ang sasakyan sa mga tao.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga pasaherong nasugatan na nagtamo ng mga sugat at bale sa katawan.
Advertisement
Advertisement