Nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga airline upang pangasiwaan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week sa kabila ng tumataas na presyo ng langis at nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, “still holding on” ang mga airline sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis, habang naghahanap ang pamahalaan ng paraan upang hindi masyadong maapektuhan ang pamasahe ng mga pasahero.

Isa sa mga hakbang na tinitingnan ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay ang posibleng pagbaba ng ilang fees tulad ng landing at take-off fees, na inaasahang makakatulong sa pagpapanatili ng mas stable na airfare.

Target ng DOTr na mailabas ang recomputed airline fees sa susunod na linggo, bagaman hindi pa natutukoy ang eksaktong halaga.

Advertisement

Nagsimula na ring magtaas ng singil ang ilang airline sa Asia at Europe dahil sa pagmahal ng jet fuel at pagkaantala ng flight routes na dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon sa Air New Zealand, tumaas ang presyo ng jet fuel mula dating $85–$90 kada bariles patungong humigit-kumulang $150–$200 kada bariles.

Advertisement