Maglalaan ang gobyerno ng P20 bilyon upang palakasin ang buffer stock ng diesel sa bansa, kasabay ng kawalang-katiyakan sa suplay dulot ng alitan sa Gitnang Silangan, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.

Target ng Philippine National Oil Company (PNOC) na makabili ng hanggang 2 milyong bariles ng diesel, na magbibigay ng karagdagang 10 araw na suplay ng fuel para sa bansa. Sa kasalukuyan, nakapag-procure na ang PNOC ng unang 1 milyong bariles na sapat para sa limang araw ng suplay sa buong bansa, nagkakahalaga ng P10 bilyon.

Ayon kay Garin, ang unang 400,000 bariles ay galing sa mga bansang Southeast Asia, habang ang natitirang 600,000 bariles ay kasalukuyang nasa negosasyon sa iba pang rehiyon. Aniya, ang buffer stock ay ibebenta sa mga fuel retailers upang suportahan ang kanilang suplay, ngunit hindi pa kinakailangan sa ngayon dahil may 45 araw na inventory ang bansa.

Idinagdag ng kalihim na ang pamahalaan ay nagdi-diversify ng mga pinagmumulan ng diesel, kabilang ang Canada, North at South America, at Australia, at prayoridad ng distribusyon ng fuel buffer ang public transport upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga mamamayan.

Advertisement
Advertisement