Nagpatupad ng P3 rollback kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya nito nitong Biyernes ng umaga, katumbas ng P33 bawas sa bawat 11-kilong tangke, ayon sa samahan ng mga marketer.

Ayon kay LPG Marketers’ Association (LPGMA) President Arnel Ty, ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng mas murang shipping at transport costs sa pandaigdigang merkado.

Sinabi rin ni Ty na may posibilidad pang masundan ang naturang rollback depende sa magiging galaw ng presyo ng langis sa mga susunod na linggo.

Samantala, matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order na nagsususpinde ng excise tax sa LPG at kerosene sa loob ng tatlong buwan.

Advertisement

Bahagi ang hakbang na ito ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng patuloy na krisis sa langis at mapagaan ang gastusin ng mga konsyumer.

Advertisement