Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang online media network personality matapos umanong tangkaing mangikil ng ₱350 milyon kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez kapalit ng hindi paglalabas ng mga video na may kaugnayan sa flood control scandal.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nadakip ang suspek sa isang entrapment operation matapos umanong tanggapin ang ₱300 milyon na marked money mula sa complainant.

Sinasabing nagpakilala ang suspek na may hawak siyang mga video na mag-uugnay kay Romualdez sa kontrobersiya sa flood control projects, at ginamit umano ito bilang leverage para sa hinihinging halaga.

Giit ng NBI, agad nilang isinagawa ang operasyon matapos ang reklamo, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa aktong pagtanggap ng pera.

Advertisement

Nakatakdang magbigay ng karagdagang detalye ang ahensya sa isang press conference ngayong Miyerkules ng umaga.

Patuloy pang iniimbestigahan ng NBI ang kaso upang matukoy kung may iba pang indibidwal na sangkot sa umano’y extortion scheme.

Advertisement